Monday, June 24, 2013

KUNG ANG SEAMAN AY NAAKSIDENTE AT NABALDA O NAMATAY, POEA BENEFITS BA O ITF CBA BENEFITS? O BAKA HABLA SA ABROAD ANG DAPAT?

          Ang isang Seaman na minalas na mabalda dahil sa isang aksidente, siya ay nahaharap sa problema kung anong disability benefits ang dapat habulin, lalo na kung grabe ang naging pinsala sa kanya? O kung ang Seaman naman ay namatay.

          Ang disability benefits o death benefits ayon sa POEA standard format ay pinakamaliit o pinakamababa kung ikukumpara sa death o disability benefits ayon sa ITF CBA rates. Bagaman at hindi pare-pareho ang halaga ng disability o death benefits ayon sa ITF CBA, may paraan pa para maka kolekta ng dalawa, tatlo o apat na ulit pa ang laki ng disability o death benefits. Kung sa Japan Seaman's Union (JSU), ang disability benefits ngayon ay US$89,000,00 para sa ratings, at US$118,000,00 para sa Junior Officers, samantala, ang death benefits naman ay US$80,000,00 para sa biyuda, at US$16,500,00 para sa bawa't isa o apat na anak. Ang halaga na ito ay totoong malaki na at ang pamilya ng naaksidente ay hindi na siguro magugutom.

          May paraan pa na magiging mas higit na malaki ang makokolekta kaysa sa ITF benefits. Ito ay ang pag hahabla sa abroad. Ang aming mga abogado ay may experience sa pag hahabla sa abroad. Marami ng kaso ang na i-file sa abroad at nakakolekta ng mas lalong malaki kaysa sa POEA rates o sa ITF CBA. Ang aming mga abogado ay may mga ka partner's  o katulong sa mga iba't ibang Law Offices sa ibang bansa tulad ng Hongkong, Singapore, Japan, Greece, Germany at USA at sa maraming iba pang bansa.

          Depende kung paano naaksidente at kung gaano ka grabe ang pinsala sa katawan o naging dahilan ng pagkamatay, ang halaga ay karaniwang umaabot sa US$400,000, kumpara sa US$89,000 sa ITF CBA, ito ay mahigit na apat (4) na ulit ng laki. Kahit na madagdagan pa ang halaga ng Attorney's Fees, dahil may foreign lawyer na katulong sa paghawak sa kaso mo sa abroad, ang importante ay tanungin mo "MAGKANO BA ANG PARA SA IYO?" pagkatapos maibawas ang mga Attorney's Fees. Sigurado kami na mas tatlo o apat na ulit pa rin itong malaki kaysa sa makukuha mo kung ang hahabulin mo ay ITF Rates lamang. Malaki man ang halaga na para sa disability o death benefit ayon sa ITF CBA, pero alam mo na ba ang karaniwang halaga o grade ng disability na ibinibigay na ibinabayad sa disability ay Grade 7 o Grade 8 o US$20,900 lamang. Ang total disability sa ITF ay kailangan ay putol ang dalawang kamay o paa o bulag ang dalawang mata. Kung isa lang ang putol o nabulag, 50% lang ang ibinayad. Sa abroad, kahit fracture lang ang problema o isang mata ang nadisgrasya, pero hindi na kaya ang trabaho sa barko, total disability na at may damages pa.

          Maraming aksidente na nagdulot ng pagkamatay o total disability sa seaman na hindi nabayaran ng tamang halaga dahil sa kahirapan ng pamilya dahil agad tumanggap ng bayad sa Shipping Company. Madalas din ay dahil sa walang alam ang Seaman o ang pamilya kung ano ang kanilang karapatan sa batas o kontratao kung sino ang dapat hingian ng tulong. Huli na madalas pagkatapos mabayaran at pumirma na ng RELEASE bago nalaman ng aming grupo ng FLAS o Free Legal Assistance for Seafarer's ay nag aalok ng free Legal Advice at Free Legal Assistance. Upang masiguro na tama ang ibinabayad sa inyo, dapat ay magtanong muna sa amin. Wala kayong obligasyon na kunin ang aming serbisyo at wala akong babayaran kahit piso sa pagkonsulta sa amin. Libre lahat ito.


Kung kayo ay may katanungan itext lang ako sa # na ito.
0930-352-9401 - Jerry (Paralegal)
1225 United Nations Avenue, 1007 Manila Philippines